Last year. We met him around 7 11, in front of our school, UPHS Biñan, Laguna. His name is Chrislan, 11 years old.
Tulad ng ibang batang pakala-kalat sa kalye, nanlilimos din sya sa mga tao. Nakilala namin sya, nang bigla nyang hinili yung stockings ng kaibigan ko, at sabi ko sa kanya bad yon. Tumigil naman sya, at biglang sinabing, "Ako nga po manas yung katawan ko e, tignan nyo po." (Diniinan nya yung part ng binti nya, at nagulat kami kasi nakalubog lang ito at hindi bumabalik agad sa dati.) I asked him why it happens. Sabi nya, after an hour pa daw bago bumalik sa dati yung part na lumubog nung diniinan nya. Isa lang ang kidney nya at inborn yun. Yung naiipon nya sa panlilimos nya, ibinibili nya ng gamot. Saulado nya lahat ng mga kailangan nyang inumin na gamot, yun nga lang minsan kinakapos sya. Kaya may mga gabi daw na tinitiis nya yung kirot ng katawan nya kapag sinusumpong sya. One time daw, may nagbigay sa kanya ng pera at nakarating sya ng PGH magisa para magpa-check up. Napakakisig at napakatyaga nyang bata.
Pinutol ko muna yung kwentuhan namin at tinanong ko kung kumain na ba sya, at ayun hindi pa daw. Kaya nag-decide akong ipasok sya sa 7 11 para bilhan ng pagkain. Binilhan ko sya ng Hotdog at Coke, kaso bawal daw sya don. Nagpabili nalang sya ng tubig at iuuwi nya nalang daw sa kanyang kapatid yung binili ko para daw hindi masayang. Anyway, lima silang magkakapatid, at pangalawa sya. Iniwan na daw sila ng kanilang mga magulang. Pero sa Calamba sila tumutuloy, sa kanyang tiyahin. Sinisikap nyang maglakad papunta kung saan para lang makapanglimos. Nakalimutan kong banggitin na, magaling syang kumanta at napakamasayahin nyang bata. :) Ayoko pa sanang iwan sya, kaso kailangan ko na talagang bumalik ng school.
And I almost cry when he told me na, "Mommy nalang kita, ampunin nyo nalang po ako. Promise po, magpapakabait ako." If only you can see how he looks like when he's telling me that.. Napaka-among muka. Sabi ko sa kanya, "Kung mayaman lang kami iuuwi na kita sa'min e, kaso nag-aaral palang ako. Hayaan mo pag mayaman na ko, papagamot at pag-aaralin kita. Basta wag mo kong kakalimutan. Sagot nya, "Oo naman po, Mommy. Hinding hindi kita makakalimutan."
Maswerte tayo masyado, kaya pahalagahan natin lahat ng bagay na nakukuha o nagagawa natin. Sana magkita pa kami!
Source: Saskia Charisse Mesa
0 comments:
Post a Comment