Tulungan nio po ako hindi ko na alam ang gagawin ko! Nasagasaan ang aking nanay n si Violeta C. Francisco, 61 yrs old, nung October 29 ng sasakyan ng army, Plate No. SKH-854, Philippine Army assigned at CMO Batallon CMOG Philippine Army, Fort Andres Bonifacio, Taguig City.
Abot-abot ang pakiusap ko sa sarhento na tulungan na lang kami sa gastos sa hospital ngunit para akong namamalimos ng awa kaya ngdesisyon ako na ituloy ang demanda. Nakasuhan po siya ng RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING IN PHYSICAL INJURY at siya po ay nakapag piyansa kahapon. Tumaas daw po ang kaso sa serious injury.
Kahapon po ay pinuntahan kami ng mga kasamahan niya upang kausapin. Pinakausap ako sa commander ng batallon s cellphone nila at ang gusto nilang mangyari bibigyan kami ng Php 70,000 pero iurong ko daw po ang kaso. Nahabag ako sa sitwasyon ko at naluha. MGA HUKBONG SANDATAHAN sinagasaan ang aking nanay at NABALI ANG BUTO SA KALIWANG BINTI, NAGKAHIWALAY ANG TUHOD.. GUSTO NILA IURONG KO ANG KASO BAGO AKO TULUNGAN.
Ngayon ALAS DOS ay bumalik na naman sila sa hospital at nagtanong kung natanggap ko daw ba ang text ng sarhento. Sa totoo lang, natanggap ko at ang gusto iurong ko ngayon at bukas magbibigay siya ng 35taw. nakiusap ako sa kanila na wag na muna kaming mag-usap at wag munang pumunta ng pumunta sa hospital dahil nag aalala ako sa kalagayan ng nanay ko kasi po OOPERAHAN PO SIYA MAMAYANG 6PM AT LALAGYAN N NG BAKAL ANG BINTI NIYA, pupunta daw po sila mamaya at sabi ng sarhento kailangan ko daw pumirma at pagkatapos ay bibigyan ako pera, tulungan niyo ko.
Gipit kami pero hindi pa tapos ang gamutan ng nanay ko at ooperahan pa lang gusto nila iurong ko kaso, gusto ko pong ituloy ang laban na to dahil sa isang idlap huminto ang buhay ng nanay ko. Pagkatapos ng sampung araw kong pakikibaka sa OUR LADY OF LOURDES HOSPITAL para magamot ang nanay ko dumating sila at tutulong pero bakit ganon ang kapalit. Sa mga bumabasa ikalat niyo po ang post ko hanggang makarating sa kinauukulan. parang awa niyo na.. mag out na po ako at babalik n s hospital para sa paghahanda sa operasyon ng nanay ko mamayang 6pm. Maraming salamat po!!!!
Source: Laila Jane Francisco Temporosa
0 comments:
Post a Comment