Thursday, December 20, 2012

Soliman Cruz (Magaling na Aktor na Naging 'Palaboy')

Si Soliman Cruz ay isa sa maituturing na pinakamahusay at de-kalibreng aktor ng ating henerasyon. Naipamalas niya ang kanyang galing sa entablado, telebisyon at pelikula. Natatangi ang kanyang pagganap sa mga pelikulang tulad ng "Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros" at "Kasal, Kasali, Kasalo".
Nakakalungkot isipin na madalas siyang nakikitang palakad-lakad sa Luneta, Baywalk at iba't-ibang lugar sa Roxas Blvd. Ayon sa mga nakakita sa kanya, animo'y naging "Palaboy" na ang magaling na aktor na natutulog kung saan-saan at minsa'y inaabutan na lamang ng pagkain.

Ano kaya ang naging dahilan ng kanyang pagkakasadlak sa ganitong kalagayan? Nasaan ang kanyang pamilya? Sana ay matulungan siya ng mga naging kaibigan niya sa industriya upang maisalba siya sa malungkot na nangyari sa kanya. Isang panawagan sa lahat ng nagmamahal sa isang Alagad ng Sining na masasabing isang kayamanan ng Pelikulang Pilipino....

Source: Cesar Alejandro CastaƱeda

0 comments:

Post a Comment