Thursday, December 20, 2012

Viral: Jed Madela VS Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

Na-hurt ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil diumano sa di kagandahang ginawa ni Jed Madela sa dalawang bagets during ABS-CBN Christmas Special sa Smart Araneta Coliseum last Tuesday.


Grabe raw pang-aalipusta ang ginawa ni Jed sa dalawang bata kaya pati ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay nagsabing huwag lang daw magkrus ang landas nila ni Jed sa ABS-CBN at makakatikim daw ito sa kanya.


"Kasi that night, Kathryn and Daniel shared the same dressing room with Jed. Habang nasa loob sila, nagutom ang mga ito kaya nagpabili ng pagkain. Then, hayun na nga, habang kumakain ay bigla na silang tinawag sa stage. Binitiwan muna nila ang pagkain at babalikan na lang nila after ng kanilang performance. In short, kalat-kalat pa ang pinagkainan ng dalawa dahil hindi pa naman sila tapos at biglaan nga ang pagtawag sa kanila."


Habang nasa stage sina Kathryn at Daniel, kinunan ni Jed ng picture ang pinagkanan ng dalawa at ipinost sa Instagram with matching sour comments
"Parang pinalabas niyang burara ang dalawang bata. Grabe ang post ni Jed, parang may galit siya kina Kathryn at Daniel at gustong sirain sa public.


Pagbalik ng mga bata, binuksan ni Daniel ang kanyang Twitter at since pina-follow nga niya si Jed, nakita niya roon ang post ni Jed sa Instagram with matching bad comments sa kanila.


Instead na magalit, ay nilapitan ni Daniel si Jed at nag-sorry pero deadma raw si Jed. "Sinabi naman ng dalawang batang di pa sila tapos kumain kaya kalat-kalat pa nga ang kanilang kinakainan. Na-hurt ang dalawang bata pero hindi na lang sila umimik. Ang mga followers nila ang nagba-bash kay Jed, kasi nga, para naman silang hindi magkakapamilya."


Obviously, binastos sila ni Jed. Sana, kung talagang concerned siya sa mga bata, pinagsabihan na lang niya ang mga ito nang personal at hindi na nag-post sa Instagram. "With what he did kina Kathryn and Daniel, ano ang gusto niyang palabasin? Ano ang intensiyon niya, aber?" tuluy-tuloy na litanya ng isang malapit sa dalawang bata na sobrang na-offend sa ginawa ni Jed.


Balita ko ay kakausapin daw ng Star Magic si Jed at pangangaralan. Pag-aayusin daw nila ang dalawang kampo.


Source: Bandera Blog

0 comments:

Post a Comment