
Noon pong lunes ng hapon (January 14, 2013) kakatapos lang po ng
transaction ko sa NSO lucena, habang naglalakad na po ako nilapitan po
ako ng isang girl na sales representative at inalok ako na i-try ko maka
avail ng gift coupon and speacial promos dahil nag cecelebrate sila ang
aniversary ng Hilton Marketing.. Magaling silang mag-sales talk..
Nag-offer pa sila na maupo ako sa Chair Massager nila habang nag de-demo
sila ng mga product nila na mga appliances.
Una nilang demo sakin yung energy cooker (electric stove worth
P58,900.00) at sunod yung Water Purifier (Ozonizer - 55 thousand +)
After ng demo nag bigay sila ng 4 questions related sa demo ng product..
Nasagot ko mga tanong kaya pinabunot na nila ako ng gift coupon at ang
nabunot ko ay 2000 gift coupon at ang sabi ay congratulation po mam isa
ka po sa lucky winner ng 1st 5 ng 2000 gift coupon at sa likod non meron
pa pala ako extra FREE sample gift pack na maiiuwi isa dun ung Energy
Cooker at Beautymate Massager..
Meron mechanics para ma claim ko yung premyo ko, nag tanung sila kung
ano gamit ko cards tulad ng credit cards at ATM etc. at kung ano gamit
ko sim card. Nag present ako ng BDO ATM at globe na gamit ko para daw
yun sa additional FREE gift at nag dagdag pa sila ng Flatware Set at
Multipurpose Cooker dahil nga nag present ako ng atm at sim na globe.
Nag labas sila ng kaskasan ng atm tulad nung ginagamit sa mall check
nila atm ko sabi ko wala naman laman yan at sabi nila di bale mam
paghahatid nmin ng mga napanalunan niyo pakainin niyo kmi at dun nyo na
ibigay ung cash na 56,900.00.. sabi ko, "Ha?? Bakit ako pa ang mag
bibigay ng cash na ganun kalaki?" ang sagot sakin eh kasi mam maiiuwi
niyo lang ang mga napanalunan nyo kung babayaran niyo yung isang item na
napili niyo at dahil chair massager napili niyo meron kayo 30 discount
at less pa ung 2000 gift coupon niyo.
Ang masaklap pa noon halos hold up na ang ginawa nila sakin nag kataon
na me 2000 peso cash ako sa walet ko na carried away ako confused at
nakapag bigay ako ng 1000 pesos at ako pa ang nagkautang ng 55,900.00 sa
Hilton Marketing na yun. Grabe modus nila holdup na budol budol pa ang
inaalala ko lang po baka yung remittance ng asawa ko at kapatid ko na sa
ATM ko pumapatak eh makuha nila. Mga nabibiktima nila.. mga senior
citizen at mga balikbayan. Eto po ang complete name ng me ari ng
tindahan.
Hilton Marketing - Mezzanine, Intersek Bldg. 5779 Zobel Roxas St.,
Palanan, Makati City. Bryan Razonable Batican - Proprietor. Meron po ako
mga pictures at ng mga napanalunan ko kuno at yung resibo po ng deposit
slip pwede daw po bayaran ko yun within 2 years. Paguwi ko nga po sa
bahay ko eh nag search agad ako sa internet at natuklasan ko na meron
sila complainant .. kaya lalo po ako nangamba.. babala narin po sa mga
mag pupunta sa mall. Salamat po!
Source: Alym Basco
0 comments:
Post a Comment