Friday, January 18, 2013

OFWs from Qatar Maltreated by their Turkish Employer


Ako po si Renato Morales dito nagtatrabaho sa bansang Qatar. Dumating ako dito noong Aug. 9, 2012 ngayon mag 5 months na po ako dito.. at may gusto lang akong isumbong o mag hingi nag tulong sa inyo ang eto po ang aking salaysay..

Kami po ay 46 lahat na Pilipino na Tile Setter dito sa Qatar na minamaltrato ng aming amo na Turkish. Kami po nakaranas ng pananakot at pang iinsulto. Hindi sinunod ang aming kontrata na pinirmahan namin sa Pilipinas gaya ng 8 hrs ngunit pag dating namin dito sa Qatar 10 hrs na ang aming trabaho dito at hindi binibigay ang 2 hr. Overtime pay.

Minsan straight time pa pagkatapus naming kumain sa tanghali patrabahuin kami kaagad. Pinipilit kami makatapus ng 8 sq. Mts. a day sa walling at 37 sq. Mts naman sa flooring. at palagi kaming ginigising ng madaling araw 1:00am or 2:00Am at sa walang kadahilanan ay papagalitan kami.

Trabaho
Ako po ay 27 years na ang experience ko bilang Mason pero sa oras ng aming trabaho lagi kaming minamadali at laging pinapagalitan pero hindi nman marunong sa trabaho ang aming Foreman na turkish. At noong Aug. 27 habang nag kakabit ako ng tiles sinabi nya na mali daw ang aking pagkabit sabay hampas ng eskwala sa aking kamay at natamaan ang aking hinlalaki at nabasag ang aking kuku at namimilipit nlang ako sa sakit pero di man lang ako tinanong kung nsakatan ako at hindi man lang dinala sa hospital, at dahil bagohan palang ako dito sa abroad natatakut na mag reklamo pinilit ko pa rin magtrabaho dahil kung mag absent sa trabaho kakaltasan ako ng sahod at hindi ko alam ang ang aking gagawin,, at pinalampas ko lang ang ganung pangyayari.

Sahod
Sa simula pa lamang delay na ang aming sahod palagi at hindi sabay sabay makatanggap ang lahat. Pinipili lang nya kung sino ang ang gusto nyang pasasahurin na sampu at sa susunod naman na tatlong araw ulit mag pasahod. At ang iba naming kasama sa trabaho ay umabot ng tatlong buwan hindi nakatanggap ng kanilang sahod . may kasama pa nga kami na hindi nkatanggap ng tatlong buwan na sahod tinerminate ng aming amo dahil walang pinakita na medical certificate mula sa doctor. 

At may kasama rin kami na nag ka trankaso na ng dalawang araw hindi pinagamut ng aming amo,, kaya napilitan sya mag hingi ng tulong sa kanyang pamangkin na mag pa check-up nlang, at kinabukasan pinakita sa aming amo ang medical certificate at ito’y kanyang pinunit.

FREE Food
Pagdating namin dito gutom na kaagad ang aming naranasan at wala natupad ang pinirmahan namin sa kontrata na free food at hindi pinaalam sa aming lahat na 200 QATAR RIYAL ang binigay na food allowance kasama na ang pambili ng inuming tubig at gas, kulang na kulang dahil ang isang buwan na gastos namin ay umaabot sa 450 to 500 qtar riyal a month.

Passport
Ang aming amo ang may hawak ng amingpassport, hindi kami binigyan ng health card at karamihan sa amin ay walang pataka o residence permit.

P.O.L.O.
Anim na beses kami nag reklamo sa Phil. Overseas Labor Office o (POLO) at nag promise ang aming amo na ontime mag pasahod pero pagdating sa aming accomodation ganun pa rin delay pa rin palagi ang aming sahod.

Ang pang Pitong settlement namin sa POLO nag decklara ang aming amo na "YOU ARE ALL CANCELL, COMPANY CLOSED, AND I DON'T GIVE YOUR SALARY" At ang sabi ni Atty. Leopoldo De Jesus, Labor Attache' "hindi na namin kayo dito ma accomodate dahil masikip na kami dito" kaya pinabalik kami sa aming accomodation at laking gulat naming lahat na hindi na kami makaka utang sa mini grocery na aming makakain Kaya doon nag simula ang kinatatakutan namin na pagugutuman kami ng aming amo mula Dec. 17 hanggang sa ngayon wala na po kaming mapagkukunan ng pagkain nag hihingi nalang kami sa kapwa naming Pilipino dito sa Qatar.

Marami na po kaming na pag sumbongan ng aming Problema gaya ng Ministry of Qatar Labor, binalewala ang aming reklamo, at sa National Human Rightrs Commitee hindi rin nabigyan ng action dahil malakas ang sponsor namin doon na Qatari.. Sa Phil. Embassy hindi rin kami doon pinansin dahil ang POLO daw ang may hawak ng kaso namin. At kung tumatawag ang mga pamilya sa aming agency ay binabaliktad po ang sitwasyon katulad advance daw ang aming sahod ng 2 Months, sinasabi pa nila na nandoon na raw sa POLO ang aming passport at pinoproseso na raw ang aming ticket, samantala wala pang nangyayari sa kanilang nabanggit hanggang ngayon

Noong Jan. 2 Nag balik kmi sa P.O.L.O. at nagharap muli kay Atty. De Jesus sisimulan nya plang raw kausapin ang sponsor ng aming employer,, pero noong Dec. 17 pa kmi nag simula sa paghintay.. at parang nag mamaang-maangan pa.. parang pinapatagal nya lng kmi rito...

Habang tumatagal pa ang proseso ng aming ticket pauwi lalo kaming nagdudusa dito sa gutom sana po bigyan nyo po ng action aming problema na hinaharap sa mdaling panahon ..

Naniniwala po kami na kayo nlnang po ang aming pag-asa, na makatulong sa amin ... Ang tanging hiling po naming ay mkauwi lamang ng Pilipinas sa madaling panahon. Maraming Salamat po..

Lubos na Gumagalang,
Renato G. Morales

OFW INFORMATION:
NAME: RENATO G. MORALES
CONTACT # +974 773 27384
ADDRESS: GATE 93, STREET 47 RIGHT, INDUSTRIAL AREA, DOHA QATAR

COMPANY'S NAME: OTTOMAN"S CASTLE MARBLE AND GRANITE
EMPLOYER'S NAME: MR. MURAT ALTINAY
ADDRESS: PO. BOX 801, DOHA QATAR
CONTACT #: TEL. (+974) 441 42884
CELLPHONE #:+974 776 93292 / +974 663 41669 /+974 668 51279
LOCAL AGENCY: PLACEWELL INTERNATIONAL SERVICES CORPORATION

Eto po ang tatlong Local Agencies na nag recruit sa amin
PLACEWELL INTL. SERVICES CORP.
RM. 217 AURORA PLAZA BLDG.
ARQUIZA ST. BOCOBO ERMITA ,MANILA
TEL. 526 4838 / 526 7317
CP # RICHIE 0917 531 5405

INTL. EXPERTS FOR TECHNICAL SUPPORT SERVICES INC.
3400 GEN. LIM ST. COR. RODRIGUEZ ST
BRGY. BANGKAL, MAKATI CITY 1233
POEA LIC. # 060- LB032811-R
TEL. # (632) 757 7103 / 798 2280
FAX # (632) 3580394

GIANT INTL. EMPLOYMENT AGENCY INC.
POEA- 056 -LB-081406-R
TEL.# 02983 7523/983 9517
MOBILE +639 39810 6692
E-MAIL ADD: giant_chito08@yahoo.com

At eto nman po ang # ni Labor attache’ Leopoldo De Jesus
+974 5528 5883
Phil. Overseas Labor Office or ( P.O.L.O. ) HOTLINE
+974 3376 9291

0 comments:

Post a Comment