MAG INGAT PO SA TRAFFIC ENFORCER SA MAY C5 LIBIS FLYOVER GOING TO CRAME (left) at RIVERBANKS (right)
Ang scenario: habang dumadaan ako sa C5 going to Riverbanks nakita ko iyong L300 na pinara ng dalawang enforcer. Iyong isa, naka itim na motor na red plate may dalawang saddle box, iyong isa naka mio na violet. Nilagpasan ko ng ilang metro at nagmasid ako. Pero napansin ako ng isa (T/E Joves ng Sector 3) kaya nilapitan ako...
T/E Joves: Bakit ka huminto diyan at tinitingnan mo kami? Kasama mo ba iyong naka van?
Joshua: Ahh sir hindi po, napatigil lang ako at na curious, ano po ba violation nung van?
T/E Joves: Swerving.
Joshua: Sir kailan pa po naging violation ang swerving.
T/E Joves: Kasi malayo pa lang siya nasa left lane siya, tapos kumanan siya malapit dito sa flyover para sa ilalim. Kaya swerving yun.
Joshua: Eh sir ayon po kasi mismo kay MMDA Chairman Francis Tolentino SWERVING IS NOT A VIOLATION.
T/E Joves: Saka patong patong kaso niyan nagse cellphone pa habang nagdadrive.
(Habang nag uusap kami ay kinakausap din ng isang enforcer ang driver ng L300 van sa bandang likod di kalayuan sa aking motor)
Nagulat na lang ako ng umabante na ang van at napadaan sa amin. Kaya mega tanong ulit ako.
Joshua: Sir akala ko may violation bakit hindi niyo tinikitan?
T/E Joves: Ahh pinagbigyan na lang nung kasama ko marunong namang makiusap.
Joshua: Pinagbigyan sir o PINAGBIGAY?
(hindi ko na hinintay ang paliwanag ng Traffic Enforcer; sinundan ko iyong L300 van at pinakiusapan na itabi ang sasakyan) Base sa pagtatanong ko, pinagbigay daw sila ng P500 para iwas abala dahil mga gamot ang laman ng Van at may deliver pa daw sila. Kaya iyon tumataginting na P500 KOTONG...Napansin ni T/E Joves na nakatigil kami at nag uusap kaya lumapit siya sa amin sakay ng kanyang motorsiklong itim na may pulang plaka.
Tinapatan niya iyong driver ng L300 van at ibinalik na pabato ang P500.
T/E Joves: O, yan yung pera mo babaliktarin mo pa kami, ikaw itong kusang nagbigay ng P500 tapos magsisinungaling ka kay Sir. Sir pasensya na sinungaling iyang taong yan.
L300: Eh sir kanina niyo pa hinihingi na umareglo na lang ako...
T/E Joves: ikaw kusang nag alok hindi kami.
Joshua: SIR KAHIT SILA KUSANG NAGBIGAY NIYAN KUNG WALA KAYONG INTERES HINDI NIYO KUKUNIN, SAKA BAKIT IBINABALIK MO NGAYON KOMO BA NAKITA MONG KINAKAUSAP KO (kinuha ko ang camera at aktong kukuhaan ko ng picture) pinasibat na ni T/E Joves ang kanyang motor.
Ako? Dumiretso ako sa Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City. Nagsampa ako ng pormal na reklamo kaakibat ang litrato (ipagpaumanhin, hindi ko mai upload dito, pero nai submit ko na ang kopya as evidence).
Tinulungan po ako ng ating butihing at maaasahang kaibigan ng si MR. ENRIQUE MADURA (Hearing Officer). Sa tulong po ni Sir Enrique Madura, na beripika po namin na hindi Traffic Enforcer ng DPOS ang dalawa, sila po ay Deputized Baranggay Traffic Officer lang ng hindi pa batid na Baranggay sa Quezon City.
Ang formal complaint po na idinulog ko ay naka address mismo kay Gen. Elmo San Diego, ito po ay personal na inihatid ni Mr. Enrique Madura kay Gen. San Diego. At inabisuhan na magsasagawa ng back ground check if saang unit o baranggay sila nagre report upang ng sa ganon ay mapatawan ng kaukulang parusa.
MARAMING SALAMAT PO MR. ENRIQUE MADURA at GENERAL ELMO SAN DIEGO sa inyong walang sawang pakikinig at pag aksyon sa aming mga hinaing at reklamo ukol sa hindi patas na panghuhuli at hindi makataong pagtrato ng mga Traffic Enforcer at mga pulis sa aming mga motorista.
Kami po sa MRO (kasama ang libong volunteers), Arouser Elite Club, Sykes Riders Club, ARANGKADA at siyempre ang Team MCP ay umaasa sa mas mabilis na aksyon upang matanggal sa serbisyo ang dalawang kotong enforcers na ito.
MABUHAY PO KAYO AT NAWA'Y DUMAMI ANG KATULAD NIYONG MAY GININTUANG PUSO PARA SA AMING MGA MOTORISTA LALONG LALO NA SA RIDERS...MULI MARAMI PONG SALAMAT!!!
via joshua of MRO
0 comments:
Post a Comment