Friday, March 8, 2013

Mother Talks About Son's Near Abduction in a Mall




Muntik na anak. kase..kase.. Eto po ang araw na muntik ng makuha ang anak ko.


Papunta po kami sa cr ng isang mall sa masinag ng may sumunod sa likod naming dalawang babae na nasa 3Oplus. Slim, mahaba ang buhok, naka sexy shorts. Di mo aakalaing mga kidnappers pala. May kasama silang dalawang batang babae mga edad 4-5 yrs old. Ang itsura nila batang mga naglalaro sa kalye na binihisan lang ng dress.


Ang cr ng mall ay parang hallway, bigla nalang may sumunod sa likod namin yung mga babae. Sinama ko ang anak kong 4yrs old sa loob mismo ng toilet. Pag labas namin agad agad silang lumabas kasunod ang anak ko. Expected na cguro nila na after mag cr ang bantay mananalamin muna ito o maghuhugas. Ako naman sa oras na yun hinahanap ko ang lipstick ko pero napansin kong sumunod ang anak ko sa kanila kaya dali dali akong tumakbo para sundan ang anak ko. Laking gulat ko ng makita kong hawak na ng babae ang anak ko sa collar bandang ibaba ng baba ng mahigpit habang nakatingin siya sa labasan bandang kaliwa kung saan nakabantay ang kasama niya na kasama ng mga batang babae.


Hinihila niya ang anak ko papuntang kanan papunta sa isa pang pinto. Ang pag kakaalam ko may elevator duon. Papuntang parking. Nung nakita ko bigla ko siyang sinita "HOY! ANO YAN!" Sabay bawi sa anak ko. Hinila ko ang anak ko pabalik sa loob ng cr at inupo sa lababo. Umarte na parang walang nangyari dahil wala ng tao sa banyo kundi isang walang pakealam na babaeng nag susuklay. Malay ko kung kasabwat din siya at natakot ako na pag nag skandalo ako ay kung ano ang naghihintay saamin sa kanan na pinto at may bantay din sa kaliwa. Wala naring tao ang cr maliban sa nagsusuklay.


Biglang nag salita ang babae sa kasama niya na akala daw niya ang hawak niya ay ang isa sa mga batang kasama nila. Miss.. babae kasama mo naka sundress, anak ko naka polo shirt sa isip isip ko. Matagal siya nag tatalak parang inaantay na lumabas ako na hindi ko ginawa. Malay ko baka anong binabalak niya hanggat sa may mga nagdatingan na mga tao na mag c cr. Inantay ko silang maka layo bago kami nagmadaling lumabas. Dun na bumili ako ng backpack at tali ng anak ko just incase na maglikot siya tinatali ko na sa pantalon ko ang backpack niya.


Nag sumbong ako sa staff at guard ng mall pero nagmukha lang akong tanga. Inaantay ko sana na ayain ako sa opisina para mag report at tingnan ang CCTV kaso bigo kaya sa mga may anak, Mag-ingat po kayo. Hindi ko alam ba't hindi na ne-news ang mga bagay na ito.


Sabi ng classmate ko may tatlong batang natagpuan nasa 9-10 yrs old na butas na ang tiyan at tinanggalan ng internal organs. Sinaksakan ng tig 100 bills sa tiyan at dina makilala dahil wala naring mga mata. Ang isa naman ay kinuha mismo sa bahay at ibinalik na butas narin ang tyan at may naka suksok na 100 bills at wala naring mga mata. Pagkaka tanda ko taga San Mateo daw. Hindi namin maintindihan bakit news blackout ito. Ilan pa bang bata ang gusto nyong mapahamak. Paki-kalat nalang po. Totoo po ang bali balitang may mga nangunguha ng bata. Please, magbantay po tayo. It's ok to share my son's story po para matuldukan lang natin agad.


Source: Trezza Rubio

0 comments:

Post a Comment