Thursday, January 31, 2013

Recruited & Abandoned: Man Hopes to Go Home to Davao


This is Alberto Pilapil, 62 yrs old. Nakilala ko sya nung nag-aabang ako ng bus pauwi sa may Buendia, malapit sa Taft Avenue. Nanghingi siya ng barya, pangkain lang daw. So ako naman, since may extra, kumuha ako sa bag ko ng barya. After niyang magpasalamat, di sya umalis. Nagsalita siya na pasensya na raw, hindi naman daw niya gusto yung ginagawa niya. May nagdala raw kasi sa kanila sa Manila para magtrabaho, then iniwan na sila. So nakinig na ako.

Wilfredo Caňete ang pangalan nung nagrecruit sa kanila. May irerenovate na bahay raw kasi sa Bulacan. Kasama si Mang Alberto sa 8 tao na magrerenovate sa bahay. Yung 2 ata sa kanila menor de edad pa. Well, common naman sa atin yun di ba? Anyway, imbis na dumiretso sila sa Bulacan, tumigil muna sila sa Baclaran church. May mga dala kasi silang bigas kaya sabi ni Wilfredo, iwan muna doon, kasama sila Mang Alberto. Babalikan na lang daw agad sila.

Nung bumalik si Wilfredo, kinuha lang yung bigas. Sabi niya, may sira daw kasi yung sasakyan nap pick-up sa kanila. Iniwan niya sila Mang Alberto ng Php2300 para sa pangkain nila. Sabi niya babalik raw sya agad para kunin sila. Hindi na maalala ni Mang Alberto kung kalian yung araw nay un eh, pero around September 28, 2012. Anong petsa na ngayon?

Hanggang ngayon nasa Baclaran church pa rin sila. Yung dalawang menor de edad, may sakit na. Di na bago sa kanila ang magutom. Lumapit na sila sa DSWD pero medyo mabagal din ang aksyon kasi marami rin silang inaasikaso. Ang pangamba ni Mang Alberto, baka dumating yung oras na di na sila pwede sa simbahan. Saan na sila tutuloy?

Isa lang naman ang gusto ko. Kumalat lang sana ito. Hindi para papanagutin yung taong nagdala sa kanila sa Maynila, pero para makauwi na sila. Hindi ko kasi kayang pondohan yung pamasahe nilang walo pauwi sa Davao. Yun lang naman yung gusto nila eh, yung makauwi. Kasi di hamak na mas maayos yung buhay nila sa Davao kesa dito.

Sana makarating ito sa tao, o mga taong may kakayahang tumulong. Napakabait ni Mang Alberto. Tsaka masayang kakwentuhan. Sabi niya nga pag nakauwi siya sa kanila, dumalaw raw ako doon at mag-iinuman kami ng tuba. Ibang klase siya. Kitang kita mo sa mukha niya na hirap na hirap na siya. Kitang kita mo sa katawan niya na nagugutom sila. Pero sa dalawang bes kong nakita siya, palagi siyang nakangiti. Tulungan sana natin silang makauwi.

Source: Kevin Orit

0 comments:

Post a Comment