Tuesday, February 12, 2013

A Plea to Help Virgillo Macabag Jr. of San Fernando




PLEASE AND MUST READ!!!! KAILANGAN KO TULONG TO SHARE THIS. Pakibasa mga ka-facebook at mga Ka-il-yak nga tiga San fernando la union.


Last night February 8, I went to PARAGAS Eatery to eat dinner, dahil malapit lang ito sa Bethany Hospital where my 3yrs old daughter is confined, habang kumakain ako, may dumating na isang pamilya, I've notice one of the three kids na babaeng bunso kasi kaawa-awa, at duon ko din po napansin na kaawa-awa etong buong pamilya, nag-order sila na kaunting ulam na gulay at itoy kanilang pagkakasyahin, sa sobrang awa, kinausap ko yung ama, at kako mag-order ka ng gusto nyo at ng mga bata at kumain sila at ako ang bahala.


This father was so humble na nahihiya pa and even insisted not to accept my offer, nakumbinsi ko parin ang ama at dito na nagkwento ang Ama ng tahanan na si Virgillo Macabag Jr. 30years old, na tiga Barangay Sevilla, dati raw eh may trabaho sya bilang delivery boy ng tubig, at ng nawalan ng trabaho at tuluyan na din silang pinaalis sa kanilang tinitirhan, at ngayon silang buong pamilya eh palaboy-laboy nalang at kung saan saan natutulog dito sa San Fernando La Union, at paminsan minsan naliligo sa dagat at kung saan may mag-oofer ng tubig poso sa kanila, pinakita nya sakin iyong karamdaman ng kanyang 3yrs old na batang lalaki ng may luslus po at sa itsura palang eh grabe na at needs urgent medical attention.


Naikwento din sakin ni virgilo ng may tumulong sa kanya isang pastor para makakuha ng drivers license na kanyang pinakita sakin at itong licensyang ito ay kanyang pinaka-ingat ingatan dahil gusto nyang mag-aply bilang tricycle driver para magkaroon ng trabaho para na din sa kanyang pamilya, he has 3 children, 4.5 yrs old female, 3yrs old male and 1.5yrs old female.


To my fellow FB users, help me share this post... All poor people wants is a chance and a helping hand para makabangon sila, and by sharing this hopefully my makakatulong kay Virgillo and to his family . Maraming Salamat!


Source: Egroeg Fabrosfarol

0 comments:

Post a Comment