Tuesday, February 12, 2013

Lola Digs Through Garbage to Raise Her Grandchild




Madalas,nababasa ko lang mga ganitong storya sa facebook, hindi ko akalain na gagawin ko rin pala to! nahihiya ako pero gagawin ko na lang to para sa mahal na mahal kong Lola na nasa heaven na..gawa na rin cguro ng pagiging maaawain ko sa matatanda at isa na dun si Lola Maria.


Madalas pag umuuwi ako from work, nadadaanan ko si Lola sa tapat ng compound sa kanto namin.. Nangangalkal sya ng mga basura galing sa compound na yun,nababali lagi leeg ko sa kakalingon sa kanya pag nakikita ko sya..until kanina, nadaanan ko nanaman si Lola, nagaabang sya ng mga basura sa tapat ng compound. hinang hina sya at lamig na lamig hawak nya tungkod nya..nabali nanaman leeg ko kakatingin sa kanya..


Nakarating na ko sa tapat ng bahay namin pero nakatayo lang ako at nakatulala, hindi ko na kinaya awa ko sa kanya. Dinala ako ng mga paa ko sa tindahan malapit sa bahay, bumili ako ng bigas.. bahala na! Binalikan ko si Lola, nakatayo siya nakaabang sa gate ng compound, tinanong ko sya kung anu ginagawa nya dun.. Namamasura daw sya pangkain daw nila ng apo nya.dalawa na lang sila, 11 yrs old na babae ang apo niya.


Lola Maria is already 82 years old..sobrang tanda na nya, hirap na maglakad, natumba pa nga siya sakin kasi hinang hina na sya.. sabi ko binilan kita ng bigas lola uwi ka na po... Tinanong ko san siya nakatira, Taga San Juan din siya at isa siya sa mga nasunugan sa St. Joseph kaya sa trapal na tagpi tagpi sila nakatira ngayon ng apo niya sa likod ng San Juan Gym.


Pinagtitinginan na kame ng mga tao kaya nagdecide ako na ihatid na lang siya kasi mukhang di na rin niiya kaya maglakad. malapit lang naman lugar nila samin kaya hinatid ko na siya.




Pagdating namin sa tinutuluyan nila, sinalubong sya ng apo nya, biglang nag flashback lahat ng pagaalaga sakin ng Lola ko.. Nangingilid na luha ko pero pinigilan ko kasi nahihiya ako umiyak dun. Napapag-aral ni Lola Maria ang apo niya sa public school dahil sa pamamasura niya, pero hindi ko alam pano pamumuhay nila don, malamig, malamok, mabaho, gawa lang sa mga lumang tarpaulin na tagpi tagpi tinutuluyan nila.. pano pag umulan? Pano kaya sila nabubuhay dun.. Sa edad nyang 82 kumakayod pa siya para sa apo niya.. paano pag wala na siya, paano na apo nya? Andami kong tanong sa isip ko..


Gusto ko silang tulungan pero hindi naman sapat yung mga binibigay ko at ibibigay ko pa.. Sana kumalat din to para makarating sa my mga mabubuting puso na pwede silang matulungan.. Sabi ko kay Lola Maria, hindi ako nangangako matutulungan kita Lola pero susubukan ko po..


Ito lang naiisip kong paraan kaya nilakasan ko na lang loob ko.sabi nga nila "tumulong ka na rin lang, lubus lubusin mo na.." Simpleng "SHARE" or "LIKE" lang po malaking tulong na..... Lahat naman tayo my mga Lola, sana matulungan po natin sila ng apo nya... Thank you for reading this, may God bless us all.


Source: Mark Anthony Raquepo Esteban

0 comments:

Post a Comment