Saturday, January 12, 2013

Modus Targets Families of Overseas Filipino Workers


I want to share this experience I had:

May kapatid po ako sa Kuwait DH po siya doon, ngayon may textmate siya from United Kingdom ang pakilala sa kanya Richard Harry, nahulog daw loob niya sa kapatid ko, ang pakilala niya sa kapatid ko manager siya ng Roscho Electronic sa US, usher siya sa isang christian church at tumutulong siya sa mga motherless, hanggang sa sabi niya may ipapadala daw na mga regalo sa kapatid ko kasi nabaitan siya sa kapatid ko dito niya ipadala sa pilipinas sa pamilya ng kapatid ko at sa akin naka address, tumawag nga siya sa kapatid ko na naipadala na niya ang mga boxes sa pilipinas at ito ang alam:

  • 2 Sony Laptop
  • 1 Home Theater
  • 1 Samsung Galaxy Tab
  • 1 Samsung Ref
  • 2 Canon Digicam
  • 1 Samsung Flatscren TV
  • + May 10000 dollar sa loob ng Dvd Player = Almost 400,000 Pesos

Within 2-3 days daw darating, american cargo pinadalhan niya tapos may ibinigay siya na name dito sa pinas ito daw kontakin, Annalyn Mariefe Torres, agad nga na tumawag sa akin itong si annalyn na may mga boxes na dumating sa NAIA na nakapangalan sa akin pero di daw mailabas sa international airport kasi nasita daw kasi mga malalaking boxes kaya kailangan ng 4500 pesos para makuha ang mga boxes at madeliver dito sa akin sa Visayas ihulog ko daw ang pera tru western union naka address sa kanya, tinanong ko si annalyn bakit ako magbabayad eh bayad na yun sa american cargo at kung may problema man ang sender ang tawagan, at hinihingi ko ang name ng company nila kung san doon na forward ng american cargo dito sa pinas, wala siyang ibinibigay na name at address ng cargo nila, kaya sabi ko magbabayad ako ng personal pero san ba opisina nila, talagang wala siyang ibinibigay, doon na ako nagduda.

Nagtext uli siya sa akin na kapag di daw ako nagpadala ng 4500 sa western union di daw madeliver ang mga boxes, kaya hiningi ko uli address nila ayaw niya ibigay, maya maya tumawag sa akin ang sender, minura ako kasi daw bakit di pa ako nagbayad kasi di daw pde magtagal ang mga boxes sa airport kasi may laman na pera baka mawala at pinutol na ang linya... tinext ko uli si annalyn minura ko talaga, sabi bakit ayaw niya ibigay address niya kasi personal kong ipapabigay ang pera, at nagreply si annalyn sabi nalang daw ng sender pinapabalik nalang daw ng sender ang mga boxes sa america... ganun lang ba yun? may pera naman pala na pwede makuha ang boxes sa airport...

Doon na sila nabuking na mga sindikato pala, kasi ng tawagan ko uli ang babae user unavailable na tapos yung c richard harry na block na niya ang kapatid ko sa facebook,... pasalamat nalang po at di kami nabiktima, duda na kasi ako kaso itong kapatid kasi paniwalang paniwala doon sa lalaki,hanggang sa huli nalaman din..

Sa makakabasa po nito, share ko lang po ito, baka maka experience kayo ng ganitong sitwasyon.. Maraming salamat po..

Source: Lorena De Pedro Laserna

0 comments:

Post a Comment