Saturday, January 19, 2013

Wife Works Abroad to Bring Husband Home; Needs Help


Si Rodolfo EƱona Jr, tubong Bicolano, 39 yrs old ay nagtatrabaho sa Riyadh Saudi Arabia bilang Janitor. Ang nagpaalis sa kanya na Agency sa Pilipinas ay Saveway at ngayon daw ay nagpalit na nang pangalan ito ay naging Sacred heart.

Ang company niya rito sa Riyadh ay Al Zharan Company. Siya ay tumakas sa Company sa kadahilanang hindi nasunod ang pinirmahang kontrata na 2000 SAR salary. Kahit anung pakiusap sa company 400 SAR lang talaga ang binibigay every month.

Simula noong umalis siya sa Al Zharan, ito ay pumapasok ng mga part time job, ang pagmamasahe ang naging trabaho nia para lang maka survive. Noong nalaman ng asawa ang sitwasyon, siya ay nag apply bilang DH at nakarating din sa Riyadh para matulungan ang asawa niya makauwi pero mas lalo nadagdagan ang problema.

Ayun sa salaysay ni Rodolfo sa kanyang asawa nung naging takas na siya. Ito ang kwento ng asawa ni Rodolfo:

"Dapat po naka uwi na siya noong May 2012 pa.. sabi nga niya sa tagal daw makakauwi na siya.. tapos bigla sabi niya postpone daw.. kasi yung taga embassy daw ang nag ayos ng papel niya pero di na tuloy.. nag bigay ulit november daw hindi parin natuloy... may binayaran daw po siya na tao mag ayos sa pag uwi nila... pero nung December 1 sinabi niya sa akin hindi siya makauwi kasi yung taong binayaran nila di na nila makita at matawagan.. nag debate nga po kami ni sir Genotiva sa ganung salita.. kasi sabi niya sa akin pwede akong kasuhan.. dahil namintang daw ako na ang taga embasy rito sa Riyadh mukhang pera.. Pero nung nakausap ko si Mr Leonardo, kasi pinag pasa pasahan ako sabi niya si Mr Genotiva daw talaga ang nag aayos ng mga TNT pero iba po siya lagi nagagalit."

Nitong nakaraang August 18, 2012 biglang na stroke si Rodolfo at naconfine sa ICU sa Prince Salman Bin Abdulaziz Hospital. Until now sinusulat ang panawagang ito ay nasa ospital pa ang ating kababayan at hindi makagalaw.

Humingi na sila ng tulong sa Embahada ng Pilipinas, mga Politiko sa Pilipinas pero until now wala pang aksyon!

Ayon sa salaysay ng kanyang asawa,

"Ang dami ko na pong kinukulit na politiko pero wala pong sumasagot, May naka usap po akong taga Embassy... ang sabi po mahirap daw po ang kaso niya kaya matagalan ang pag ayos ng kanyang pag uwi.. ang nakakausap ko po sa POLO, si sir Leonardo Rodrigo sabi po niya sa akin inaayos na daw po ang kaso ng asawa ko at sabi rin po niya huwag daw po ako mag alala kasi gagawin daw po niya lahat ng makakaya niya na makauwi asawa ko.. Pero may isa po na taga POLO si sir Redentor Genotiva nagagalit po pag kinakausap about po sa kaso ng asawa ko.. Mag antay daw kami.. kung kelan?.. tapos sabi po ni sir Leonardo bago siya umuwi ng Pilipinas na napirmahan na daw ng employer ng asawa ko ang exit papers niya.. kaya po kami nabahala na sa sitwasyon ng asawa ko kasi nuong December pa.

Dagdag pa niya, "Nag alala na ako kasi ang laki na ng hospital bills niya 42 thousand Saudi Riyal na po... na hanggang ngaun nasa hospital pa siya.. di po siya pinalabas kasi hawak na daw po siya ng taga embassy.. pero ang tagal napo eh 5 months na siya sa hospital."

"Alalang alala po ako ngayon dahil gusto ko dalawin ang asawa ko ayaw po ako payagan ng amo ko po! Ang amo ko babae.. nung una at pangalawa kung punta amo ko lalaki kinausap ko umiyak ako para lang payagan.. pero ngayon ilang beses nako nag paalam di talaga ko pinayagan ng amo ko babae"

WALA PO KAMING TANGING HILING LAMANG NA SANA TULUNGAN KAMI NA MAKAUWI.TATANAWIN KO PO NA UTANG NA LOOB SA INYONG LAHAT!

Sa lahat makipag ugnayan sa asawa ni Rodolfo maari lamang pong tumawag sa : mobile number : +966567998615 email add: emilyhamzah87@gmail.com or mag inquire sa akin sa karagdagang information.

Salamat,
Jules

0 comments:

Post a Comment