Tuesday, February 12, 2013

85-Year-Old Lola Abandoned by Her Adopted Children




Please share. It only takes a Minute of your attention.


Kanina habang naglalakad pauwi sa Teresa PUP, Sta.Mesa Manila. May nakita akong matandang naka-upo sa tabi ng grotto. Binigyan ko ng 4 pesos, habang inutusan ko yung kaibigan ko na bumili ng Anlene para inumin ni lola. Nakaka-awa yung ichura nya. Habang may dala syang cane, na may naka-sabit na mga ID at iba pang card.


Nagtanong ako, "Nay napano po kayo?" Sabi niya, "Iniwan ako nang anak ko dito, sabi nya babalikan nya ko. Hanggang ngayon wala pa din sya." Sabi ko naman, "Taga saan po ba kayo nay?" Sagot nya, " Sa pasig. Taga dun ung anak ko."


Binigyan ko sya ng 30 pesos. Sa tingin ko naman eh malaking tulong na yun para maka-uwi sya. Hanggang sa tinanong ko bakit sya naka-tungkod. Kung may sakit ba sya o ano. Sabi ni Nanay eh, "Dalawang taon na yung nakalipas mula nung masagasaan ako ng kotse. Di ako manloloko anak, 85 years old na ako, sa katibayan nya eto yung mga ID ko, business permit. Dahil may negosyo ako dati, nag-xe2rox kami. Pero yung inampon ko eh niloko ako. Pinapirma ako dahil ibebenta daw nya yung lupain namin ng 6 million, tapos P400,000 pa lang ang naibigay nya sakin, umalis sya sa bansa.


Yung bunso na inampon ko naman eh kinuha din yung mga naipundar ko at iniwan ako dito. Hanggang ngayon naghihintay ako na balikan ako. Napaka-walanghiya nila. Pinag-aral ko sila, tapos ganito gagawin nila sakin. (Pinakita nya sakin yung mga litrato nya) Eto pa nga ako noon, kasama ko si Joseph Estrada, nagpapicture ako. Tapos eto yung inampon ko. Wala kasi akong asawa anak eh, ang gusto ko lang sa ngayon eh maka-uwi na sa Davao. Kasi nandun yung mga pamangkin ko at kapatid ko aalagaan nila ako dun."




Sabi ko naman eh. "Nay gusto nyo po bang ihingi ko kayo nang tulong? Sa simbahan o kaya sa home for the aged. O hindi kaya sa mga sikat na TV show? Kung hindi nyo mamasamain kukuhaan ko kayo ng litrato para makahingi tayo nang tulong." Sabi nya. "Sige anak salamat! Pagpalain ka nang diyos! Maraming salamat may katulad mo na tumulong at pumansin sakin."


Eto nga po pala yung Buong pangalan ni Nanay. Ramona Correa


Sa mga may mabuting kalooban na nakaka-kilala kay nanay Ramona, ipag-bigay alam nyo lang po sa akin. O kung sino mang may magandang loob na handang tumulong kay Nanay Ramona, eh mag message na lang po kayo sa akin.


0 comments:

Post a Comment