Tila nagkatotohanan ang "fight scene" sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa kanilang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN. Ito ay ayon sa latest feed sa PEP.ph ng isang Kapamilya insider.
Sinabi ng insider na kinunan noong Miyerkules, Pebrero 6, ang “sampalan at sabunutan scene” ng dalawang aktres. Sa salita ng source, "Ang ending, pasa-pasa sila pareho at may mga kalmot si Maja! Umiyak si Kim after."
Dagdag nito, narinig daw ng mga nasa set na itinanong ni Maja kay Kim, "Okay ka lang ba?" Wala daw silang narinig na sagot mula kay Kim. Sa halip ay “tumakbo ng dressing room si Kim, nag-iiyak."
Ang kuwento pa ng source, "Nag-walk out si Kim. Hindi na nakunan ang continuity ng eksena. Maya-maya, sumakay na ng car. Pack up!" Pinabulaanan naman ng isa pang network source ang sinasabing walkout.
Bagama't tikom ang bibig nito sa tanong ng PEP kung naging makatotohanan nga ba ang fight scene sa pagitan ng dalawang Star Magic stars ("I will neither confirm nor deny"), mariin naman nitong sinabing walang naganap na walkout.
Sabi ng pangalawang source na oras na talaga ng pack-up. "Hindi, walang walkout. Cut-off time na talaga ng cast. Kaya umuwi na si Kim."
Mga matalik na magkaibigan na nagkasiraan ng relasyon ang ginagampanang papel nina Kim at Maja sa Ina, Kapatid, Anak.
0 comments:
Post a Comment