Friday, March 8, 2013

VIDEO: Beggar in Manila Wants to Go Back to Iloilo




Maswerte parin talaga tayo



Kanina habang kumakain kami sa isang tapsilogan sa maynila may lumapit saming isang pulubi na na nanghihingi ng barya inabutan ko ng sampung piso nagulat nalang ako pag abot ko ng barya tumalikod sya sakin at biglang nag dasal, napag kamalan nga naming wala sya sa tamang pag-iisip. Sinubukan kong kausapin. Tinanong ko kung kumain na ba siya bigla syang napaluha hindi pa daw kasi siya kumakain buong araw at gutom na gutom na daw siya.


Pinaupo po namin sya sa lamesa namin at tinanong yung detalye kung bakit siya pagala gala sa maynila, siya daw si rowena na nakatira pa sa Iloilo, isa po siyang tomboy. May ka-relasyon siya dating babae at ayaw ng pamilya niya sa babaeng karelasyon niya. Nakipag sapalaran po sila ng babae dito sa Maynila. Dalawang taon po sila ng babae nag-sama dito sa Maynila sa kasamaang palad nakapag trabaho yung babae dito sa Maynila at iniwanan siya.


Mag pipitong taon na po siya dito sa Maynila palaboy laboy sa lansangan. Wala na po siyang kominikasyon sa pamilya niya, naisipan lang namin gawan ng video kasi baka sakaling hinahanap sya ng mga kamag-anak niya. Sana makarating sa kanila. at tanggapin siya ulit.


Nag abot lang kami ng onting tulong bago kami umalis na sa tingin namin sasapat na sa pag kain nya ng mga ilang araw.. sana matulungan natin siya..




Source: Carl Quion

0 comments:

Post a Comment